Talagang nakaka miss ang panahon na yon lalo na yong para tayong mga batang
nagtatampisaw sa ilog ni Kong M agsasaka. Pwedeng pwede natin gamitin ang ating
musmos na isipan at gawin ang gusto nating gawin ng walang balakid at walang nakikialam.
Iisa ang ating layunin araw araw na mapasaya ang lahat. Everybody was looking forward to
visit ang bukid after a hectic schedule of the day para maibsan ang pagod at kalungkutan
sa maghapong gawain, walang sumasalungat, walang nangiinsulto.
Ahhhhhhhhh di na nga siguro maibabalik yong mga nakaraan na yon. Nways isama na lang
natin sa iba't ibang mga experience natin

Sis pabalikin mo si sis Z dito...pwede kaya?
Si bro Snatch asan na kaya yon?
Hindi na siguro maibabalik pa ang dating masayang kabukiran ni Kong Mags.
Sinalanta na ng bagyo. Binaha at inanod palayo ang mga malulusog at mga
nagagandahang mga halaman at bulaklak sa bakod ng kanyang dampa.
May natira pa naman at may umuusbong paminsan minsan. Yun nga lang
mga halamang ligaw at mga bukbok na kumakain sa dati ay ubod ng tibay
na mga haligi ng buong tahanan. Nakakalungkot man pero wala na tayong magagawa.
Ganunpaman, andito pa rin ako. Bahay ko pa rin naman ito. Kaya tumutulong
pa rin ako sa pag dilig sa natitigang na lupain ni Kong Mags. Hinahaluan ko
nga lang ng lason ang tubig na pinadidilig ko. Para di salantain ng husto ng mga
uod na nagsisilbing salot sa dati'y malusog na lupain ng mahal nating M agsasaka.
Pati mga anghel dela gwardya ng tunay na nagmamay-ari ng kabukiran, na dati rati
animoy alitaptap na nagliliparan sa paligid at nagsisilbing ilaw sa buong kabukiran
ay di na rin nakikita. Mas makapangyarihan ba ang kadiliman na kaya nitong
pigilan o patayin ang ilaw ng mga alitaptap?